Friday, August 18, 2017

NICOTINE

Nicotine

Ito ay isa sa pinaka pangunahing sangkap ng sigarilyo. Itinuturing ito na mas nakaka adik pa kesa sa ibang ipinag babawal na droga.

Ito ang dahilan  kung kaya kapag kumapit na sa sistema ng isang tao ang nikotina ay nahihirapan na syang umiwas sa paninigarilyo at tuluyan nang hanapin hanapin ng katawan. Tanungin mo man ang sarili mo, kelan mo nga ba napag desisyunan na maging regular na manigarilyo? Hindi ba't namalayan mo na lang na ayaw mo nan pero sige ka pa rin sa pag hithit buga? Sa kadahilanang naging partena ito ng iyong sistema.

Sa paanong paraan ito nakaka adik. Una  Kapag pumasok na ito sa bloodstream ay dederetso na ito sa utak ng isang tao (within 10 seconds). At mag bibigay ng sensation ng bahagyang pagka hilo, relaxation at ang kasunod nito ay maglalabas ang utak ng kemikal na kung tawagin ay DOPAMINE na kung saan ay nag bibigay ito ng magandang pakiramdam (feel good chemical) maiha-halintulad ito sa pakiramdam ng kasiyahan sa pakikipag talik.. so kasinayahan sa sobrang sarap ng pag kain.  kaya kahit alam na ng isang tao na masama ang sigarilyo patuloy pa din nya itong hinahanap dahil ang unconscious mind na ang nag didikta sa isang individual para mag yosi. 

Bilang dating naninigarilyo na patunayan ko  ito ay totoo. Na kusa na lang ako mag sisindi ng sigarilyo pagka tapos kumain, magkape,  mag meryenda at minsan pag stress.

Ilang taon akong naging adik sa SIGARILYO. Kahit sa isip ko ay ayaw ko na talaga ito.  Sa susunod na pagkakataon ay ibabahagi ko sa inyo ang mga bagay akala mo ay TAMA sa paninigarilyo  at mga excuses ng isang taong naninigarilyo para lang maipag patuloy ang addiction na ito. Uulitin ko Addiction ito  hindi libangan o pampa lipas oras.

Abangerz...

Tuesday, August 15, 2017

Sigarilyo

Unang bahagi

Ito ang unang pag-kakataon na mag susulat qoo ng blog na may kaugnayan sa bisyo ng paninigarilyo


Hindi ko na lalaliman ang mga salita para hindi boring.

Alam na ng marami ang mga posibleng maging dulot nito sa kalusugan  kaya di ko na babanggitin pa't baka maumay pa kayo, dahil sa bawat pakete pa lamang ng  mga sigarilyo ay makikita na ang mga larawan ng mga tao may sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo.

Okay..  sigarilyo?  Ano nga ba ang pananaw mo dito nuon?  Nuong bata ako naalala ko kapag inutusan ako ng tatay ko. Na ipag sindi ko sya
Bahong-baho ako. Pero gayun pa man natutunan ko ito.  Nung una ko itong tinikman dala ng kabataan hilong-hilo ako at sukang-suka. Pero pinilitbko pa din matutunan kasama ang aking pinsan. Na ngayon ay tumigil na din gaya ko. Akala ko nuon  cool ito kapag naninigarilyo. . Astig sa tsiks at IN ka sa barkada.. pero mali pala.. 

Sabi ko nuon. Ano ba napapala nila sa paninigarilyo eh ang baho naman. Yung filter sobrang baho kapag naamoy ko sa ashtray ng tatay ko ganuon din ang usok at abo.   Ang nakapagtataka bakit nung natutunan mo na (natin) ang manigarilyo bakit tila binabale wala o nababale wala ang amoy nito?  Anong meron?

Iinom ng kape sa umaga.. ano kasunod? Sigarilyo.  Sarap na sarap ka pa sa pag hit hit. At tila nakalimutan mo na ang totoong kalikasan  at amoy nito. 

Maging sa oras ng trabaho... dapat ay ipahinga mo na ang break time.. sigarilyo pa din..

May mga oras na ang sarap ng pag kain sa harap mo .. nag mamadali kang matapos dahil sigarilyong sigarilyo ka na..

Dumalo ka sa kasal... binyag.. .. inip na inip ka sa seremonya dahil sigarilyong sigarilyo ka na..

Inip na inip ka sa tapos ng klase sa eskwela dahil gusto mo uwian na  para lang makapag sigarilyo ka..

Ang tanong? 

Bakit mo ito hinanap hanap? Gayong nuon ay ang baho neto.. naubo ubo kapa.. nahilo. At yung iba ay nasuka pa dahil sa lasa at amoy neto?

Sa susunod na bahagi malalaman natin ang dahilan kung bakit nga ba.


- itutuloy