Unang bahagi
Ito ang unang pag-kakataon na mag susulat qoo ng blog na may kaugnayan sa bisyo ng paninigarilyo
Hindi ko na lalaliman ang mga salita para hindi boring.
Alam na ng marami ang mga posibleng maging dulot nito sa kalusugan kaya di ko na babanggitin pa't baka maumay pa kayo, dahil sa bawat pakete pa lamang ng mga sigarilyo ay makikita na ang mga larawan ng mga tao may sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo.
Okay.. sigarilyo? Ano nga ba ang pananaw mo dito nuon? Nuong bata ako naalala ko kapag inutusan ako ng tatay ko. Na ipag sindi ko sya
Bahong-baho ako. Pero gayun pa man natutunan ko ito. Nung una ko itong tinikman dala ng kabataan hilong-hilo ako at sukang-suka. Pero pinilitbko pa din matutunan kasama ang aking pinsan. Na ngayon ay tumigil na din gaya ko. Akala ko nuon cool ito kapag naninigarilyo. . Astig sa tsiks at IN ka sa barkada.. pero mali pala..
Sabi ko nuon. Ano ba napapala nila sa paninigarilyo eh ang baho naman. Yung filter sobrang baho kapag naamoy ko sa ashtray ng tatay ko ganuon din ang usok at abo. Ang nakapagtataka bakit nung natutunan mo na (natin) ang manigarilyo bakit tila binabale wala o nababale wala ang amoy nito? Anong meron?
Iinom ng kape sa umaga.. ano kasunod? Sigarilyo. Sarap na sarap ka pa sa pag hit hit. At tila nakalimutan mo na ang totoong kalikasan at amoy nito.
Maging sa oras ng trabaho... dapat ay ipahinga mo na ang break time.. sigarilyo pa din..
May mga oras na ang sarap ng pag kain sa harap mo .. nag mamadali kang matapos dahil sigarilyong sigarilyo ka na..
Dumalo ka sa kasal... binyag.. .. inip na inip ka sa seremonya dahil sigarilyong sigarilyo ka na..
Inip na inip ka sa tapos ng klase sa eskwela dahil gusto mo uwian na para lang makapag sigarilyo ka..
Ang tanong?
Bakit mo ito hinanap hanap? Gayong nuon ay ang baho neto.. naubo ubo kapa.. nahilo. At yung iba ay nasuka pa dahil sa lasa at amoy neto?
Sa susunod na bahagi malalaman natin ang dahilan kung bakit nga ba.
- itutuloy
No comments:
Post a Comment