Sunday, September 3, 2017

Hanggang Kailan ka magiging alipin?

Hanggang kailan ka magiging alipin ng Sigarilyo?

Ito ang tanong ko sa sarili ko noon maging ng ibang mga na ninigarilyo. Hanggang kailan? Hanggang saan? Paano? Yan ang mga tanong sa isipan ng isang tao na humaling na sa paninigarilyo o masakit man sa tainga  ADIK na sa NICOTENE  ng sigarilyo.

Ang sabi mo pag ka ubos nito di na ako maninigarilyo.. pero kina bukasan heto ka't hithit-buga ka nanaman.. sa loob loob mo ahhh dadahan dahanin ko na lang kung nakaka isang kaha ako sa isang araw sa suaunod na lingo labing limang sticks na lang tapos, sampu, tapos lima.. aba at lumipas ang ilang taon heto at bihag ka pa din ng paninigarilyo yan ay dahil sa NICOTENE.   Uulitin ko. Dahil sa NICOTENE.

Minsan o sabihin na nating madalas sa isip ng isang taong naninigarilyo , , gusto mo nang itigil ito. Ang problema paano ko uumpisahan? Bakit palagi akong bigo.. bakit ayaw ko na pero patuloy ko pa din ginagawa..   mahirap di ba? Yan ang tumanim sa isip ng taong naninigarilyo, pero ang totoo kung malalaman mo ang eksaktong dahilan ng pagka adik o pagka humaling mo sa sigarilyo  masasabi mo sa sarili mo na madali lang pala.

Takot:

Yan ang isa sa pumipigil sayo. Dahil sa likod ng isip mo paano na pagka tapos ko mag kape?? Pagka kain?  Pag may inuman? Sigurado hahanapin ko ito. Di mo man sabihin  pero sigurado ako sa likod ng utak mo iyan ang laman nito dahil pinag daanan ko ang mga ito.  Kaya lubos ko nang naunawaan angga dahilan ng isang taong naninigarilyo  (full of excuses) binibigyang pilit ng katuwiran ang sarili. . Stress  kasi ako.. di ako makapag isip pag walang sigarilyo. Pero kung alam mo lang mas nakaka dagdag pa nga ng stress ito.  Sa paanong paraan? Kapag nabawasan na ang SUPPLY NG NICOTENE  sa utak ng isang taong naninigarilyo mag uumpisa na itong makaramdam ng anxiety.. stress.. lack of concentration lalo na kapag nasa isang lugar ka na bawal manigarilyo sigurado yan ang pakiramdam mo, gustong gusto mo maka hanap ng tiyempo at paraan para makapag sigarilyo ka lang. Ang tanong? Nakikita mo ba ang sarili mo sa mga ganitong sitwasyon? Na dapat ay nagsa saya ka sa piling ng mga tao sa paligid mo peeo ikaw nandun sa smoking area at nag hit hit buga.. ang sakit db? Iyan ang mga nai sasakripisyo natin sa panahon ng paninigarilyo.  Marami pang iba...

Paano itigil?

Paano ko nga ba naihinto ang Paninigarilyo?   Una kailangan mo maging matapang, sa paanong paraan? Harapin mo ang bagay na na banggit ko sa unang bahagi.  Kung kape ang trigger mo sa paninigarilyo, huwag mo iwasan ito imbes mag kape ka at pakiramdaman mo ang sarili mo.. huwag manigarilyo ng 2 oras... 5 oras... 12 oras  hanggang umabot ka ng 24 oras..o mas mahaba pa..  sabi nga sa mga nababasa ko may tatlong D na dapat mong tandaan. .DELAY, DRINK LOTS OF WATER, DO SOMETHING.  iyan ang isa mga bagay na dapat tandaan. At sa sarili kong karanasan kung matindi ang tawag ng paninigarilyo sa isip mo.. imbes manigarilyo mag toothbrush ka at linisin mk o ang dila mo ng mabuti, maniwala ka sa akin mawawala ang pag hahanap mo ng sigarilyo.  At kung malamapasan mo ang unang tatlong araw. Sisiguraduhin ko sa iyo na mas magiging magaan na ang pang apat at sa mga susunod na araw.

Isipin mo din kung may benefits ka bang nakukuha dito? Kung maka ubos ka ng isang stick.. tatlo o limang stick minsan ba ay naisip mo kung may naitulong nga ba ito sa mabuting paraan sa katawan mo?  Wala naman hindi ba? Ewan ko kung naranasan nyo na ang halimbawa na ito. Hindi ka nakapag sigarilyo ng isa o dalawang araw.. after neto ay bigla ka maninigarilyo sigurado malalasahan mo ang filter..maamoy mo ang totoong amoy neto at pag pasok ng usok sa utak mo sigurado  makaka ramdam ka ng hilo, ngayon itanong mo sa sarili mo, mabuti ba ang lahat ng ito?  isa ang sigurado  HINDI sapagkat lason ito. Lason na dahan dahan sumisira sa kalusugan ng isang taong naninigarilyo.

PERA

Kung  makakapg tiis ka ng 21 days na walang sigarilyo at susuma-tutal mo ang bawat halaga g sigarilyo na nauubos mo makikita mo kung gaano  kalaki ang ginagastos mo. Na sana ay naging ipon mo.


ALTERATIBONG PARAAN?


ilan dito ang mga sumusunkd  

VAPING,  NICOTINE PATCH, NICOTINE GUM  atbp.. hindi ko sinasabi na huwag nyo gamitin ang mga ito sapagkat ang lahat ng mga ito ay may nicotene.  Dyan pa lang ay tukoy mo na kung bakit hinahanap ng sigarilyo. Pero kung sa tingin mo ay makaka tulong ang mga nabanggit ko sige lang ipag patuloy mo.. kaysa mag sigarilyo na may kasamang libo libong nakala lasong kemikal.

Bagyon ito naman ang maipapayo ko aa mga nais tunigil sa sigarilyo ayun sa aking Karanasan.

1. Mag set ka ng date kung kailan mo ititigil.

2.  Itapon ang lighter  ashtray at iba b pang bagay na may kaugnayan sa sigarilyo.

3. Huwag iwasan ang mga trigger sa paninigarilyo.  Mag kape ka kung gusto mo at subukin ang sarili kung hanggang saan mo kaya labanan. 3 hanggang limang minuto lamg naman ang itatagal ng paghahanap ng yosi at lilipas din.

4. Inom ng tubig tuwing naiisip manigarilyo.

5. Brushing your teeth and tounge sigurado mawawala ang pisikal na pag hahanap sa sigarilyo.

6 triple "D"  Delay...   Do Something  and Deep breathing 

7. Pinaka importante sa lahat.. i suko mo kay Lord  ang bisyong ito. Walang ibang higit na makaka tulong sayo kundi Sya..  pangalawa ang sarili pangatlo ang pamilya at kaibigan.

Basta palagi mo tandaan and GOLDEN RULE

NOT ANOTHER PUFF, NO MATTER WHAT.




Friday, August 18, 2017

NICOTINE

Nicotine

Ito ay isa sa pinaka pangunahing sangkap ng sigarilyo. Itinuturing ito na mas nakaka adik pa kesa sa ibang ipinag babawal na droga.

Ito ang dahilan  kung kaya kapag kumapit na sa sistema ng isang tao ang nikotina ay nahihirapan na syang umiwas sa paninigarilyo at tuluyan nang hanapin hanapin ng katawan. Tanungin mo man ang sarili mo, kelan mo nga ba napag desisyunan na maging regular na manigarilyo? Hindi ba't namalayan mo na lang na ayaw mo nan pero sige ka pa rin sa pag hithit buga? Sa kadahilanang naging partena ito ng iyong sistema.

Sa paanong paraan ito nakaka adik. Una  Kapag pumasok na ito sa bloodstream ay dederetso na ito sa utak ng isang tao (within 10 seconds). At mag bibigay ng sensation ng bahagyang pagka hilo, relaxation at ang kasunod nito ay maglalabas ang utak ng kemikal na kung tawagin ay DOPAMINE na kung saan ay nag bibigay ito ng magandang pakiramdam (feel good chemical) maiha-halintulad ito sa pakiramdam ng kasiyahan sa pakikipag talik.. so kasinayahan sa sobrang sarap ng pag kain.  kaya kahit alam na ng isang tao na masama ang sigarilyo patuloy pa din nya itong hinahanap dahil ang unconscious mind na ang nag didikta sa isang individual para mag yosi. 

Bilang dating naninigarilyo na patunayan ko  ito ay totoo. Na kusa na lang ako mag sisindi ng sigarilyo pagka tapos kumain, magkape,  mag meryenda at minsan pag stress.

Ilang taon akong naging adik sa SIGARILYO. Kahit sa isip ko ay ayaw ko na talaga ito.  Sa susunod na pagkakataon ay ibabahagi ko sa inyo ang mga bagay akala mo ay TAMA sa paninigarilyo  at mga excuses ng isang taong naninigarilyo para lang maipag patuloy ang addiction na ito. Uulitin ko Addiction ito  hindi libangan o pampa lipas oras.

Abangerz...

Tuesday, August 15, 2017

Sigarilyo

Unang bahagi

Ito ang unang pag-kakataon na mag susulat qoo ng blog na may kaugnayan sa bisyo ng paninigarilyo


Hindi ko na lalaliman ang mga salita para hindi boring.

Alam na ng marami ang mga posibleng maging dulot nito sa kalusugan  kaya di ko na babanggitin pa't baka maumay pa kayo, dahil sa bawat pakete pa lamang ng  mga sigarilyo ay makikita na ang mga larawan ng mga tao may sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo.

Okay..  sigarilyo?  Ano nga ba ang pananaw mo dito nuon?  Nuong bata ako naalala ko kapag inutusan ako ng tatay ko. Na ipag sindi ko sya
Bahong-baho ako. Pero gayun pa man natutunan ko ito.  Nung una ko itong tinikman dala ng kabataan hilong-hilo ako at sukang-suka. Pero pinilitbko pa din matutunan kasama ang aking pinsan. Na ngayon ay tumigil na din gaya ko. Akala ko nuon  cool ito kapag naninigarilyo. . Astig sa tsiks at IN ka sa barkada.. pero mali pala.. 

Sabi ko nuon. Ano ba napapala nila sa paninigarilyo eh ang baho naman. Yung filter sobrang baho kapag naamoy ko sa ashtray ng tatay ko ganuon din ang usok at abo.   Ang nakapagtataka bakit nung natutunan mo na (natin) ang manigarilyo bakit tila binabale wala o nababale wala ang amoy nito?  Anong meron?

Iinom ng kape sa umaga.. ano kasunod? Sigarilyo.  Sarap na sarap ka pa sa pag hit hit. At tila nakalimutan mo na ang totoong kalikasan  at amoy nito. 

Maging sa oras ng trabaho... dapat ay ipahinga mo na ang break time.. sigarilyo pa din..

May mga oras na ang sarap ng pag kain sa harap mo .. nag mamadali kang matapos dahil sigarilyong sigarilyo ka na..

Dumalo ka sa kasal... binyag.. .. inip na inip ka sa seremonya dahil sigarilyong sigarilyo ka na..

Inip na inip ka sa tapos ng klase sa eskwela dahil gusto mo uwian na  para lang makapag sigarilyo ka..

Ang tanong? 

Bakit mo ito hinanap hanap? Gayong nuon ay ang baho neto.. naubo ubo kapa.. nahilo. At yung iba ay nasuka pa dahil sa lasa at amoy neto?

Sa susunod na bahagi malalaman natin ang dahilan kung bakit nga ba.


- itutuloy