Hanggang kailan ka magiging alipin ng Sigarilyo?
Ito ang tanong ko sa sarili ko noon maging ng ibang mga na ninigarilyo. Hanggang kailan? Hanggang saan? Paano? Yan ang mga tanong sa isipan ng isang tao na humaling na sa paninigarilyo o masakit man sa tainga ADIK na sa NICOTENE ng sigarilyo.
Ang sabi mo pag ka ubos nito di na ako maninigarilyo.. pero kina bukasan heto ka't hithit-buga ka nanaman.. sa loob loob mo ahhh dadahan dahanin ko na lang kung nakaka isang kaha ako sa isang araw sa suaunod na lingo labing limang sticks na lang tapos, sampu, tapos lima.. aba at lumipas ang ilang taon heto at bihag ka pa din ng paninigarilyo yan ay dahil sa NICOTENE. Uulitin ko. Dahil sa NICOTENE.
Minsan o sabihin na nating madalas sa isip ng isang taong naninigarilyo , , gusto mo nang itigil ito. Ang problema paano ko uumpisahan? Bakit palagi akong bigo.. bakit ayaw ko na pero patuloy ko pa din ginagawa.. mahirap di ba? Yan ang tumanim sa isip ng taong naninigarilyo, pero ang totoo kung malalaman mo ang eksaktong dahilan ng pagka adik o pagka humaling mo sa sigarilyo masasabi mo sa sarili mo na madali lang pala.
Takot:
Yan ang isa sa pumipigil sayo. Dahil sa likod ng isip mo paano na pagka tapos ko mag kape?? Pagka kain? Pag may inuman? Sigurado hahanapin ko ito. Di mo man sabihin pero sigurado ako sa likod ng utak mo iyan ang laman nito dahil pinag daanan ko ang mga ito. Kaya lubos ko nang naunawaan angga dahilan ng isang taong naninigarilyo (full of excuses) binibigyang pilit ng katuwiran ang sarili. . Stress kasi ako.. di ako makapag isip pag walang sigarilyo. Pero kung alam mo lang mas nakaka dagdag pa nga ng stress ito. Sa paanong paraan? Kapag nabawasan na ang SUPPLY NG NICOTENE sa utak ng isang taong naninigarilyo mag uumpisa na itong makaramdam ng anxiety.. stress.. lack of concentration lalo na kapag nasa isang lugar ka na bawal manigarilyo sigurado yan ang pakiramdam mo, gustong gusto mo maka hanap ng tiyempo at paraan para makapag sigarilyo ka lang. Ang tanong? Nakikita mo ba ang sarili mo sa mga ganitong sitwasyon? Na dapat ay nagsa saya ka sa piling ng mga tao sa paligid mo peeo ikaw nandun sa smoking area at nag hit hit buga.. ang sakit db? Iyan ang mga nai sasakripisyo natin sa panahon ng paninigarilyo. Marami pang iba...
Paano itigil?
Paano ko nga ba naihinto ang Paninigarilyo? Una kailangan mo maging matapang, sa paanong paraan? Harapin mo ang bagay na na banggit ko sa unang bahagi. Kung kape ang trigger mo sa paninigarilyo, huwag mo iwasan ito imbes mag kape ka at pakiramdaman mo ang sarili mo.. huwag manigarilyo ng 2 oras... 5 oras... 12 oras hanggang umabot ka ng 24 oras..o mas mahaba pa.. sabi nga sa mga nababasa ko may tatlong D na dapat mong tandaan. .DELAY, DRINK LOTS OF WATER, DO SOMETHING. iyan ang isa mga bagay na dapat tandaan. At sa sarili kong karanasan kung matindi ang tawag ng paninigarilyo sa isip mo.. imbes manigarilyo mag toothbrush ka at linisin mk o ang dila mo ng mabuti, maniwala ka sa akin mawawala ang pag hahanap mo ng sigarilyo. At kung malamapasan mo ang unang tatlong araw. Sisiguraduhin ko sa iyo na mas magiging magaan na ang pang apat at sa mga susunod na araw.
Isipin mo din kung may benefits ka bang nakukuha dito? Kung maka ubos ka ng isang stick.. tatlo o limang stick minsan ba ay naisip mo kung may naitulong nga ba ito sa mabuting paraan sa katawan mo? Wala naman hindi ba? Ewan ko kung naranasan nyo na ang halimbawa na ito. Hindi ka nakapag sigarilyo ng isa o dalawang araw.. after neto ay bigla ka maninigarilyo sigurado malalasahan mo ang filter..maamoy mo ang totoong amoy neto at pag pasok ng usok sa utak mo sigurado makaka ramdam ka ng hilo, ngayon itanong mo sa sarili mo, mabuti ba ang lahat ng ito? isa ang sigurado HINDI sapagkat lason ito. Lason na dahan dahan sumisira sa kalusugan ng isang taong naninigarilyo.
PERA
Kung makakapg tiis ka ng 21 days na walang sigarilyo at susuma-tutal mo ang bawat halaga g sigarilyo na nauubos mo makikita mo kung gaano kalaki ang ginagastos mo. Na sana ay naging ipon mo.
ALTERATIBONG PARAAN?
ilan dito ang mga sumusunkd
VAPING, NICOTINE PATCH, NICOTINE GUM atbp.. hindi ko sinasabi na huwag nyo gamitin ang mga ito sapagkat ang lahat ng mga ito ay may nicotene. Dyan pa lang ay tukoy mo na kung bakit hinahanap ng sigarilyo. Pero kung sa tingin mo ay makaka tulong ang mga nabanggit ko sige lang ipag patuloy mo.. kaysa mag sigarilyo na may kasamang libo libong nakala lasong kemikal.
Bagyon ito naman ang maipapayo ko aa mga nais tunigil sa sigarilyo ayun sa aking Karanasan.
1. Mag set ka ng date kung kailan mo ititigil.
2. Itapon ang lighter ashtray at iba b pang bagay na may kaugnayan sa sigarilyo.
3. Huwag iwasan ang mga trigger sa paninigarilyo. Mag kape ka kung gusto mo at subukin ang sarili kung hanggang saan mo kaya labanan. 3 hanggang limang minuto lamg naman ang itatagal ng paghahanap ng yosi at lilipas din.
4. Inom ng tubig tuwing naiisip manigarilyo.
5. Brushing your teeth and tounge sigurado mawawala ang pisikal na pag hahanap sa sigarilyo.
6 triple "D" Delay... Do Something and Deep breathing
7. Pinaka importante sa lahat.. i suko mo kay Lord ang bisyong ito. Walang ibang higit na makaka tulong sayo kundi Sya.. pangalawa ang sarili pangatlo ang pamilya at kaibigan.
Basta palagi mo tandaan and GOLDEN RULE
NOT ANOTHER PUFF, NO MATTER WHAT.
No comments:
Post a Comment